Motorsiklo nagliyab sa kalsada sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE – Nagliyab ang isang motorsiklo sa kalsada sa Barangay Tawig, Paracale, Camarines Norte pasado alas 11 ng umaga nitong Lunes, May 13, 2024.

Walang makapagsabi kung ano ang sanhi ng pagkasunog ng motorsiklo pero ayon sa mga residente posibleng problema sa wiring ang dahilan.

Ayon sa mga nakasaksi, bigla na lang umanong huminto ang motorsiklo at may lumabas na apoy saka ito tuluyang nagliyab hanggang sa lamunin na ito ng apoy.

May isa namang nagboluntaryo na at kumuha ng isang timbang tubig at inapula ang apoy bago pa dumating ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection tungkol sa sanhi ng nasabing sunog.

Hindi na bago ang ganitong pangyayari kaya naman may paalala ang mga eksperto.

Maaaring magkaroon ng short circuit kapag hindi maayos ang pagkakakabit ng mga kable at hindi maayos ang koneksyong ginawa. Hindi rin mainam na magdagdag ng mga hindi kinakailangang ilaw sa motorsiklo dahil ang baterya na ikinabit dito ng manufacturer ay para lamang sa mga isinama nilang ilaw at busina at pagbukas sa makina ng sasakyan.

Pwede ring maging sani ng pagkasunod ng motor kung may sira o maluwag ang gas cap o mayroong tagas ang tangke. Kung magkakaroon ng short circuit maaari ito ang magpasiklab sa gasolina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *