Eleazar tatakbong senador sa 2022 Election sa ilalim ng Lacson-Sotto slate

Kinumpirma ni Presidential aspirant Panfilo Ping Lacson na tatakbo sa pagka-senador ang kare-retiro pa lamang na si dating PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar.

Ayon kay Lacson tatakbo si Eleazar sa ilalim ng tambalan nila ni Senate President Tito Sotto.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Papalitan umano ni Eleazar si Paolo Capino na nagwithdraw ng kanyang kandidatura kahapon.

Una nang sinabi noon ni Sotto na kukumbinsihin nila si Eleazar na tumakbo sa pagka-senador kapag tuluyan na itong bumaba bilang hepe ng pambansang pulisya.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Hindi naman binanggit ng mambabatas kung kailan maghahain ng kanyang substitution sa Comelec si Eleazar.