Roque tanggap ang kabiguan sa ILC post

Malugod na tinanggap ni Presidential Spokesman Sec. Harry Roque ang kabiguan nitong makakuha ng pwesto sa International Law Commission (ILC).

Sa serye ng tweet na ibinahagi ng kalihim, pinasalamatan nito si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-nominate at suportang ibinigay sa kanya.

Read More:  Malacañang won’t stop young Filipinos from working abroad

Nagpasalamat din ito sa Department of Foreign Affairs, at sa mga officers at staff ng Philippines’ Permanent Mission to the United Nations dahil sa ipinakitang suporta at professionalism.

Read More:  Robredo sees no political bias in Marcos calamity fund distribution

Binati naman nito ang newly-elected members ng ILC at hiniling din nito na maging matagumpay sa kanilang trabaho.

Nabatid na naging kontrobersiyal ang ILC campaign ni Roque matapos salubungin ng kaliwa’t-kanang protesta mula sa mga human rights group at kapwa niya abogado.