Iminungkahi ni OCTA Research member at Chief, Pediatric Infectious Disease expert Dr. Benjamin Co na magsagawa ng door-to-door COVID-19 vaccination.
Paliwanag ni Co kung ayaw ng mga tao na pumunta sa mga vaccination sites at pwedeng ang mga nagbabakuna na ang pumunta sa kanila.

Ayon kay Co dapat tutukan ng pamahalaan ang pagtuturok sa class D at E ng populasyon.
Inihayag ni Co na marami pa rin ang umaayaw sa kabuna sa iba’t-ibat kadahilanan katulad ng misinformation at sobrang pagka-kampante.