Eksaktong dahilan ng pagbagsak ng isang eroplano kahapon sa Iba, Zambales iniimbestigahan ng CAAP

Iniimbestigahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines Iba ang eksaktong dahilan ng pagbagsak ng RPC 5230 Air Craft kahapon sa Bgy. Sto. Rosario, Iba, Zambales.

Ayon kay CAAP Manager Rodulfo Ubaldo, kahapon ay ininspeksyon na ng kanilang inspector ang air craft.

Una dito, ayon kay Ubaldo, March 16 nang dumating sa Iba ang eroplano at napansin umano nilang may leak sa hydrolic fluid kaya inayos ito.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kinabukasan ay nag-test flight ang anim na pilotong sakay nito subalit nang magtake-off umano ay umusok ang right engine nito.

Bagamat isa sa tinitingnang anggulo ay mechanical error pero ayon kay Ubaldo ay iimbestigahan pa ng husto ang pangyayari.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Samantala, ligtas naman ang lahat ng sakay na unang dinala sa Pres. Ramon Magsaysay Memorial Hospital matapos ma-rescue ng mga mangingisda sa lugar at PNP Maritime.

Ang apat umano ay nakalabas na sa pagamutan habang may dalawa naman na inilipat ng ospital sa Manila.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Maritime Pulis Iba ZambalesMarpsta

May be an image of drink, food and text