Naaagnas nang bangkay ng 2 lalaki, natagpuan sa San Andres, Catanduanes

BNFM BICOL—Dalawang bangkay ng mga hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan sa bayan ng San Andres, Catanduanes. 

Batay sa ulat ng Catanduanes Police Provincial Office, mag a-alas kwatro ng hapon nitong araw ng Martes nang matagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Brgy. Manamrag ng nasabing bayan ang naturang mga labi na umano’y naaagnas o nasa ‘state of decomposition’ na.

Matapos na maipaabot sa kaalaman ng mga otoridad, agad na rumesponde ang mga personahe ng San Andres PNP, MDRRMO at Philippine Coastguard kung saan isinagawa ng mga ito ang retrieval operation.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Nadiskubre ng mga ito na kapuwa nakatali ang kamay at paa ng mga biktima ngunit hirap nang tukuyin ang kanilang pagkakakilanlan.

Batay sa resulta ng post mortem examination na isinagawa ng Rural Health Unit, parehong may sugat sa magkabilang hita ang mga biktima, at ayon pa sa sumuring doktor, mahigit 48 oras nang patay ang mga ito bago natagpuan.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ang unang biktima ay may taas na 5’5’ hanggang 5’7”, nakasuot ng striped na T-shirt at kulay abong Jersey na pang-ibaba, habang ang isa ay may taas na 5’3” hanggang 5’5”, nakasuot ng checkered na pang-ibaba.

Dahiln sa kalagayan ng mga bangkay, agad rin ang mga itong inilibing sa pampublikong sementeryo ng bayan.###