EJ Obiena, opisyal nang nag-withdraw mula sa PSC mediation offer

Opisyal nang nagwithdraw ang Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena, mula sa mediation process na alok ng Philippine Sports Commission (PSC).

Sa isang pahayag mula sa spokesperson lawyer nitong si Bobbet Bruce, sinabi nitong umatras si Obiena, dahil sa “bad faith” ni Mr. Juico at PATAFA.

Ang PATAFA, o ang Philippine Athletics Track and Field Association, ay ang national sports association ni Obiena, habang si Philip Ella Juico ang presidente dito.

Matatandaan na nag-alok ang PSC ng mediation noon pang Nobyembre, para maresolba ang sigalot sa pagitan ni Obiena at PATAFA, matyapos ang alegasyon laban sa naturang atleta.

Sa kabila naman ng kanyang withdrawal, pinasalamatan ni Obiena si PSC chief Butch Ramirez, dahil sa kanyang efforts sa mediation.