Sinuspende si Milwaukee Bucks guard Grayson Allen para sa isang laro, dahil sa hard foul kay Alex Caruso ng Chicago Bulls noong Biyernes ng gabi na NBA game sa Milwaukee.
Kaugnay nito, napagdesisyunan ng disciplinary officials na isuspende si Allen, matapos ito patawan ng flagrant two foul na tawag ng mga opisyal sa third quarter ng Bucks 94-90 win.
Mababatid na agad tinanggal si Allen, matapos ang penalty call.

Ang insidente ay nangyari habang naka-layup si Caruso sa fast break, sa 5:45 na natitirang oras sa third quarter, kung saan, habang nasa mid-air ito, binunot ni Allen ang kamay ng Bulls’ guard at napa-inikot ito, dahilan para matumba sa sahig at naipit ang kanang pulso.
Dahil dito, anim hanggang walong linggo na hindi makakapaglaro si Caruso, dahil sa fracture.