DOH, ikinokonsidera ang pag-gamit ng COVID saliva tests

Titingnan ng gobyerno ang rekomendasyon ng Philippine Red Cross na gamnitin ang COVID-19 saliva tests, lalo na sa mga probinsya, para mapataas ang testing capacity.

Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, maari itong maging option para sa kanila, at labis itong makakatulong lalo sa mga lugar na mahirap maka-access ng laboratoryo.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Dagdag ni Vergeire, ang suwestiyon ng PRC ay “workable at acceptable” lalo na;t maraming PRC laboratories ang nag-ooperate sa iba’t-ibang mga lugar.

Pero sa gitna nito, ipinaliwanag ng opisyal kung bakit, mas pabor ngayong sa gobyero ang pag-gamit ng antigen test kits sa symptomatic individuals.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Giit ni Vergeire, ito ang most accurate kapag may sintomas ang isang tao, dahil ilang oras lang ay makukuha na ang resulta, at agad ma-manage ang mga kaso. //MHEL PACIA-TRINIDAD