Hindi na pinatagal ni Pinoy fighter Romero Duno ang laban kontra kay Jonathan Perez ng Columbia.
Nakuha ni Duno ang panalo via 2nd technical round knockout.
Dinomina ng Filipino boxer ang laban sa loob ng dalawang round sa pamamagitan ng malalakas na kombinasyon.
Magsisimula na sana ang 3rd round subalit hindi na tumayo si Perez sa kanyang corner matapos indahin ang mga tama sa kanya.
Samantala sinabi ni Sanman Promotions head JC Manangquil na balak nilang ihanap na malakas na contender si Duno bago matapos ang taon.
