Ekonomiya at Turismo sa Albay 2D inaasahang mas mapapalakas oras na matapos ang 3 priority road projects ng DPWH

BICOL—Inaasahang malaki ang magiging impact sa ekonomiya at turismo ng tatlong priority projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) 2nd District Engineering Office.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Richard De Jesus, Public Information Officer (PIO) ng Albay 2nd DEO, inihayag nito na kabilang sa mga prayoridad ngayong taon ay ang Camalig bypass road, Batan Circumferential road sa Rapu-rapu island at San Joaquin-Pawa-Bogtong road sa lungsod ng Legazpi.

Sa pamamagitan ng 3.5 kilometers na Camalig bypass road ay hindi na kailangang dumaan ng mga sasakyan sa sentro ng bayan ng Camalig kung kaya mapapaikli sa mahigit limang minuto na lamang ang dating 30 minuto byahe. Sa ngayon ay nasa halos 100% na itong gawa.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Magiging malaking tulong din anya sa economic performance at tourism sa ikalawang distrito ng Albay ang Batan Circumferential road sa islang bayan ng Rapu Rapu dahil magbibigay ito ng mas maayos na transport mobility sa mga mamamayan at maging sa mga bisita at turista. Sa ngayon ay nasa 70% na itong gawa.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Magbubukas naman ng mas malawak at mabilis na access sa paliparan, istasyon ng tren at mga pantalan ang San Joaquin – Pawa – Bogtong road at matutulungan ding madecongest ang trapiko sa mga pangunahing kalsada.

Bahagi nito ang package 1, 2 at 3 na ginagawa sa may Barangay Pawa at Tamaoyan sa lungsod ng Legazpi na magbubukas din ng access sa mga galing at magtutungo sa Northern barangays ng lungsod.### || slm, with reports from BNFM Legazpi