Muling sinususpinde ngayong araw ni Senate Committee on Finance, Subcommittee I, Chairperson, Senadora Imee Marcos ang budget hearing para sa Department of Social Welfare and Development.
Ito ay bilang tugon sa naging mosyon ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na pansamantala munang ipagpaliban ang pag-apruba sa pondo ng DSWD hangga’t hindi pa naisusumite ang mga dokumentong kanilang hinihingi.
Kabilang na sa mga dokumentong ito ang updated report ng food stamp at ang signed joint administrative order para sa medikal at financial assistance sa mga indigent patients.
Samantala, bago tuluyang suspendihin ang budget hearing, inanunsyo ng senadora na kanselado na ang pagdinig bukas dahil lusot na sa kanilang komite ang pondo ng Climate Change Commission at Cooperative Development Authority.