Mahigit sa P8-M na halaga ng ecstasy, naharang ng BOC sa port of Clark

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs at PDEA sa Port of Clark ang halos limang libong Ecstasy Tablets o “Party Drugs” na nagkakahala ng 8.3 million pesos.

Nang isailalim ng BOC ang kargamento sa x-ray scanning at K9 inspection, nakumpirma na ilegal na droga ang laman ng kargamento na nanggaling mula sa Netherlands.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Dito na tumambad ang isang kahon ng espresso capsules at tatlong kahon ng coffee beans kung saan natuklasan ang mga ecstasy tablets.

Read More:  NSC reaffirms Batanes as an integral part of the Philippines

Ipinasa sa PDEA ang mga kontrabando pata sa chemical analysis.

Nag isyu na ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC laban sa subject ng shipment sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.