20 Pinay surrogate mothers sa Cambodia – posibleng makasuhan

Pinangangambahan ngayon ng Department of Justice na maharap sa kasong kriminal ang nasagip na 20 Pinay surrogate mothers sa Cambodia.

Itinuturing kaseng krimen sa Cambodia ang surrogacy o pagbubuntis para sa ibang mag-asawa.

Ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty, nakikiusap na ang Philippine Embassy sa Cambodia na iabswelto na sa kaso ang mga Pinay at sa halip ay ituring silang biktima ng mga human trafficking.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Paliwanag ni Ty, na bagamat hindi tinukoy ang surrogacy sa batas ay malawak ang lengwahe ng trafficking in persons act kaya ang ganitong modus ay pwedeng mapasok sa illegal adaption o organ trafficking.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Dahil dito, igigiit ng pamahalaan sa gobyerno ng Cambodia ang non-punishment o non criminality principle kung saan walang magiging pananagutan ang mga mapatutunayang biktima ng human trafficking.