Drug den sa Guinobatan, sinalakay; 5, arestado

LEGAZPI CITY – Sinalakay ng mga otoridad ang isang drug den sa Purok 3, Brgy. Travesia, bayan ng Guinobatan, Albay na nagresulta sa pagkakaaresto ng limang kalalakihan.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Arnel Pavia y Oyardo , 49, anyos; Loreto Padua y Rebadavia, 48 anyos; Ronald Odever y Yap, 37 anyos; Leopoldo Jacinto y Nidea, Jr., 44 anyos na pawang residente ng nasabing barangay, habang kasama rin sa mga naaresto at Bernabe Rabolan y Pajara, 39 anyos na residente ng Sa Rafael ng kaparehong bayan.

Read More:  Malunggay-pandesal vendor shot dead in Maguindanao del Sur

Sa operasyon ng Guinobatan Municipal Police Station, sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency Bicol, nakumpiska ang 12 selyadong sachet ng pinaghihinalaang “shabu” na may timbang na humigit-kumulang 15.3 grams at nagkakahalagang PHP103,000 kasama pa ang ilang drug paraphernalia.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Nasa kustodiya na ng himpilan ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.