Mahigit ₱1.7 million halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa 2 high value individual sa Lucena City

Himas-rehas ngayon ang dalawang (2) lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa Barangay Ilayang Iyam, Lucena City nitong gabi, Marso 6.

Bandang alas-9:09 ng gabi nang madakip ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Macho”, 43-anyos at alyas “Jugs”, 29-anyos, matapos makabili ang isang poseur buyer ng hinihinalang shabu mula sa kanila.

Read More:  ₱1.2M worth of fake food seasoning voluntarily surrendered in Bacolod

Sa gitna nito, nasamsam kay alyas Macho ang isang (1) genuine 1000 peso bill at ang boodle money na ginamit sa operasyon habang nakuha naman kay alyas Jugs ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱1,700,000.

Read More:  Most wanted Masaronay group leader killed in police shootout in Lanao del Norte

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Lucena City Police Station ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.