Driver ng jeep sa Naga huli sa pagbebenta ng illegal na droga

NAGA CITY – Arestado ang driver ng jeep sa Naga City na umano’y nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Ang 36-anyos na binatang driver ng jeep ay residente ng Urban Queborac, Bagumbayan Sur, Naga City.  Sa ulat ng Naga City Police Office, alas-8:43 kagabi, Dec. 8, 2023, isinagawa ang drug buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Criminal and Investigation Unit ng NCPO, kasama ang Police Station 1, PDEA Region 5.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Isa sa mga tauhan ay nagpanggap bilang isang pusuer buyer at bumili sa suspek ng isang plastic sachet na hinihinalang shabu na may halagang P15,000.

Nang magsagawa ng body search ang mga personahe sa suspek, narekober pa ang labing-isang plastic sachet na naglalaman ng shabu na may bigat na 20 gramo at nagkakahalaga ng P136,000.00, gayundin ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng marijuana na may bigat na 5 gramo at nagkakahalaga ng P600.00.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Mahaharap na ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.