Ina na pumasa sa Licensure Examination for Professional Teacher sa Camarines Sur, ikinuwento ang hirap sa sabay na pag-aaral at pagiging magulang

CAMARINES SUR- Proud ang isang 34-anyos na Ina matapos na pumasa sa Licensure Examination for Professional Teacher; nagbunga ang lahat ng kaniyang sakripisyo at hirap sa sabay na pag-aaral at pagiging asawa’t magulang.

Masayang ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Karen Pearl H. Buena na nagtapos ng Bachelor in Technical Vocational Teachers Education Major in Electronics sa Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC)- Nabua Campus ang kaniyang kuwento. 16-anyos ng maagang makapangasawa, naging Overseas Filipino Worker (OFW) , tindera, estudyanteng muli hanggang sa nakagraduate. Bago pumasok sa eskuwela sinisigurong maayos ding makakapasok ang mga anak.  Pasalamat si Buena dahil may center ang CSPC na nangangalaga sa dalawang taong gulang na bata kung nasa klase siya. Programa aniya ito ng paaralan para sa mga tulad niya.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan
Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Nagbabantay sa tindahan ng plastic ware sa Baao ang asawa ni Buena, hindi aniya sapat ang kita para sa kanila at apat na anak kaya sinikap na makapagtapos siya para sa kinabukasan ng pamilya. Payo nito tuloy lang sa laban dahil hindi hadlang ang edad at katayuan sa buhay.