Mga bagong halal na opisyal sa barangay sa Koronadal, isinailalim sa Orientation on Barangay Financial Transactions

KORONADAL CITY – ISINAILALIM sa orientation ang lahat ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan Officials sa lungsod Koronadal kaugnay sa tamang pagsasagsawa ng Barangay Financial Transactions. Ang aktibidad na ito ay inilunsad ng City Interior and Local Government Office sa pangunguna ni City Local Government Operations Officer Jennifer C. Fernandez at sa tulong ng City Accountant’s Office.

Binigyang diin ni City Accountant Ryan Mannaseh Dillomes, ang tama na proseso at mga detalye sa pag-apply ng Fidelity Bond, mga dapat at hindi dapat gawin, at mga tama na paggamit ng Barangay Budget.

Hinihikayat naman ni City Vice Mayor Vice Mayor Erlinda P. Araquil ang mga opisyal ng barangay ga dapat mayroong karampatang kaalaman kaugnay sa aspeto ng pinansyal. Muli namang pinaalalahanan ni Fernandez ang bagong halal na nga mga opisyal na maging responsable sa kanilang financial processes upang walang magiging problema sa kanilang pagbibigay serbisyo publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *