Drive Thru payment ng bill sa kuryente malaking tulong ngayong panahon ng pandemya

CAMARINES NORTE- Sinimulan na kahapon ng Camarines Norte Electric Cooperative ang pagpapatupad ng pagbabayad ng bill sa kuryente sa pamamagitan ng Drive Thru s akanilang main office sa bayan ng Talisay.

Ayon sa pamunuan ng Canoreco para ito sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga kunsomidores lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan iniiwasang mag-ipon-ipon ang mga tao upang maiwasan ang banta ng hawaan ng COVID- 19.

Ito ay isa sa mga inisyatibo upang matulungan ang mga kunsomidores sa ligtas na  pagbabayad ng kanilang mga bayarin sa kuryente na hindi na kinakailangang bumaba ng kanilang mga sasakyan, mapa-kotse, traysikel o motorsiklo.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Pwede rin magbayad sa Drive Thru ang nakapadyak o kaya naman ay naka-bisikleta.

Sa katunayan, kabilang sa mga pumila sa unang araw ng implementasyon nito ay ang mga naka bisikleta.

Pabor din ito sa mga nagtatrabaho at nag oopisina dahil mula alas 8 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi ay bukas ang Drive Thru kaya’t bago umuwi ng bahay ay maaaring makasaglit sa Main Office ng Canoreco sa Barangay Itomang Talisay, Camarines Norte para magbayad.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ilang minuto lang din ang itinatagal ng pagbabayad kaya iwas abala.

Pero paalala sa mga kundomidores na palaging dalhin ang billing statement o statement of account sa pagbabayad ng mga bayarin sa kuryente.

Ayon kay General Manager Zandro Gestiada may mga karagdagang sistema pa silang ipapatupad partikular ang digitalization.