CAMARINES NORTE- Magpapasa ng resolusyon ang Sangguniang Bayan para sa hiling ng Alkalde ng Basud, Camarines Norte na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth para sa enrollment ng mga empleado ng LGU.
Sa pagkakaroon umano ng MOA sa pagitan ng LGU at PhilHealth ay masisigurong ang lahat ng premiums na ikinakaltas sa mga empleado ng una kasama na ang mga elected officials at job order employees ay mai- reremit ng tama.
Dati kasi umano ay nagkakaproblema ang mga empleado at elected officials dahil sa delayed remittances.
Kung mayroon umanong MOA ay masisigurong lahat ng premiums na kinakaltas ay maireremit ng tama sa PhilHealth.
Bahagi rin umano ito ng pakikiisa ng LGU sa implementasyon ng Universal Healthcare Act.
Noong nakaraang regular na sesyon ay pumayag ang konseho na bigyan ng authority ang Local Chief Executive na pumasok sa isang kasunduan sa pagitan ng PhilHealth at LGU.

