CAMARINES NORTE – Hinimok ng Social Security System (SSS) ang mga pensioners na i- avail ang Pension Loan Program (PLP) para sa agarang pangangailangang pinansyal imbes na mag “loan sharks” na mayroong mataas na interest rates kung saan nagagamit pa ang mga ATM cards bilang kolateral.
Ang PLP na inilunsad noong September 2018 ay pautang para makatulong sa pangangailangang pinansiyal ng mga retiradong pensyonado sa mababang interest rate.
Sa ilalim ng PLP ay maaaring maka- avail ang kwalipikadong retiree-pensioner ng hanggang sa tatlo, anim, siyam o 12 beses ng kanilang basic monthly pension (BMP) at karagdagang P1,000 benefit pero hindi lalagpas sa maximum loan amount na P200, 000.
Bukod dito ang kanilang take-home pension ay dapat kahit man lang 47. 25 %.
Ang pension loans na tatlo hanggang anim na beses ng basic monthly pension at karagdagang P1, 000 na benepisyo ay mayroong anim hanggang 12 buwang payment terms ayon sa pagkakasunod- sunod.
Habang 24 months payment terms naman ang siyam at labingdalawang beses ng basic monthly pension at karagdagang P1, 000 na benepisyo.
Ang PLP ay mayroong 10% interest rate per annum.
Ang first monthly amortization for pension loans ay babayaran sa ikalawang buwan matapos na maaprobahan ang loan.
Wala na ring babayarang one-percent service fee na magsu- subsidize ng payment para sa premium ng Credit Life Insurance (CLI) ng borrower.
Kabilang sa mga qualifications ay 85 taong gulang o pababa sa katapusan ng termino ng pautang, walang ibinabawas sa buwanang pensyon tulad ng natitirang balanse sa ibang pautang ng SSS, sobrang kabayaran ng benepisyo , at iba pa.
Walang natanggap na paunang pensyon sa ilalim ng SSS Calamity Package at tumatanggap ng regular na buwanang pensyon na hindi bababa sa anim na buwan at ang estado ng kanyang pensyon ay “active”.
Noong September 2018 isa ang SSS Daet Branch sa naunang 20 pilot branches na nagpatupad ng programa.

