Mga residente ng Canlaon City na lumikas dahil sa pag-alburoto ng Mt. Kanalon, naka-uwi na

Naka-uwi na sa kani-kanilang mga pamamahay ang mga lumikas o internally displaced individuals o IDP, na nanatili sa dalawang evacuation center sa Canlaon City, dalawang linggo matapos ang naganap na phreatic eruption ng Mt. Kanlaon.

Ayon sa Presidential Communications Office, umasiste ang DSWD sa camp demobilization at isinali ang mga IDP sa paglilinis ng kanilang lugar sa evacuation center.

Nagbigay naman ang LGU ng relief items at transportasyon para sa pag-uwi ng mga residente.

Nabatid na batay sa tala ng NDRRMC, umabot sa mahigit tatlong libong mga indibidwal ang naitalang lumikas mula sa dalawang probinsya na pinaka apektado ng pag sabog ng bulkang Kanlaon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *