DOST, irerekomenda na ang VCO para sa mild, moderate COVID cases

Inirerekomenda na ng Department of Science and Technology (DOST) ang pag-gamit ng virgin coconut oil (VCO) bilang gamot sa sintomas ng mild at moderate COVID-19 cases.

Ayon kasi kay DOST Secretary Fortunato De la Pena, ang parehong trials na isinagawa sa Sta. Rosa, Laguna, at Valenzuela City ay nagpakita ng encouraging results.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Giit ni Dela Peña, nakumpirma sa trial na ang VCO ay nakakapagpababa sa C-Reactive Protein o CRP, na biomarker para sa inflammation at infection.

Ang pagbibigay sa VCO, ay inihalo sa pagkain ng participants sa Sta. Rosa study, habang ang oil naman ay hiwalay na ibinigay sa cups, bawat pasyente sa Valenzuela City.

Matapos ang trials, binigyang diin ni Imelda Angeles-Agdeppa, director ng DOST’s Food and Nutrition Research Institute, na ang resolution sa mga sensyales at sintomas sa participants mula sa Valenzuela City ay mas mabilis kumpara sa Sta. Rosa.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Samantala, sinabi naman ni Dr. Fabian Antonio Dayrit, isa sa mga miyembro ng study team na walang pasyente na nakaranas ng overdose, at ang worst side effect na kanilang naobserbahan ay pananakit ng tiyan. //MHEL PACIA-TRINIADAD