Iniulat ng Department of Health ang 29,828 pang kaso ng coronavirus, na dahilan para sumipa ang kabuoang kaso nito sa 3,417,216.
Ayon sa DOH, 29,237 (98%) ng infections, ay nangyari sa nakalipas na 14 na araw, kung saan ang Metro Manila ang may malaking bilang sa 5,178 (18%), sinundan ng Calabarzon sa 4,227 (14%), at Central Luzon sa 2,787 (10%).
Sa ngayon, mayroon pang 273,580 na active cases, na kumakatawan s 8% ng overall tally.
Ang pagbaba sa bilang ng active cases, ay matapos maitala ng DOH ang 36,763 na mga bagong recoveries, dahilan para tumaas ang survivor count sa 3,090,164.

Samantala, umakyat naman ang kabuoang bilang ng fatalities sa 53,472, matapos pumanaw ang 67 pang pasyente. //MHEL PACIA-TRINIDAD