Hihilingin ng Northern Samar sa national government na irekonsidera ang kanilang desisyon na pagtataas sa probinsya sa Alert Level 4 — ang ikalawang pinakamataas na COVID alert level system sa bansa.
Ayon kay provincial health officer Dr. Ninfa Caparroso-Kam, hihilingin ng local authorities sa Inter-Agency Task Force ang mas mababang alert level classification, kasabay ng pag-gigiit na mayroon silang datos para suportahan ang request.
Dagdag ni Caparroso-Kam, kung ikukumpara umano ang kanilang statistics mula sa ibang mga probinsya sa rehiyon, ay mas maganda ang sa kanila.

Matatandaan na ang Northern Samar ay isa sa apat na probinsya na isinailalim sa Alert Level 4 noong nakataang linggo, kasama ng Kalinga, Ifugao, at Mountain Province.
Paliwanag pa nito, ang COVID-19 case doubling time at average daily attack rate ng kanilang probinsya ay malayo mula sa critical levels. //MHEL PACIA-TRINIDAD