Tinutulan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma ang pagbabawas ng incentives sa mga kumpanyang ayaw sumunod sa return to on-site work order.
Ayon kay Laguesma, maraming employers ang nag-invest para sa work-from-home arrangements upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado dahil sa Covid-19 pandemic.

Matatandaang inihayag ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na maaaring magmulta, mawalan o masuspende ang incentives at maipasara ang mga kumpanyang hindi susunod sa naturang pulisiya.
Samantala, sinabi niya na nakipagpulong na siya sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Finance (DOF) ukol dito. (ARGIE ERGINA)