Tutol ang Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa nurses cap deployment sa ibang bansa.
Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, pinaghirapan umano ang propesyong ito at hindi dapat bigyan ng limit o boundaries ng pamahalaan.

Sinabi naman ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na hindi solusyon ang naturang cap sa pagbaba ng bilang ng mga nurses sa Pilipinas.
Samantala, makikipag-uusap si Ople sa susunod na kalihim ng Department of Health (DOH) kaugnay sa nasabing issue. (ARGIE ERGINA)