PNP, paiigtingin ang kampanya kontra wang-wang

Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa ilegal na paggamit ng sirens at blinkers o wang-wang at pailaw.

Hinimok ni PNP director for operations Police Major General Valeriano de Leon ang motorista na tanggalin ang naturang mga bagay sa kanilang sasakyan upang hindi mahuli ng mga otoridad.

Read More:  Cendaña warns of legal action over online attacks targeting his medical condition

Ayon kay De Leon, imomonitor din nila ang mga auto shops na nagbebenta at nagkakabit ng wangwang at pailaw kung saan maaari silang makasuhan.

Read More:  Bong Go urges youth to spend more time in sports, less on social media

Samantala, matatandaang inihayag ni Senator JV Ejercito na may mga lokal na opisyal at Cabinet members ang inaabuso ang paggamit nito. (ARGIE ERGINA)