DOLE, nagpaalala sa mga employers sa pay rules para sa Feb holidays

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment sa mga employers na magtatrabaho sa special non-working days ngayong buwan, na sila ay entitled sa premier pay.

Ayon sa DOLE, ang mga manggagawang papasok sa February 1 o Chinese New Year at February 25 o EDSA People Power Revolution Anniversary, ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng kanilang basic wage.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Ang karagdagang bayad ay magre-reflect sa computation ng basic wage na imu-multiply sa 130%, maliban sa cost of living allowance.

Kaugnay nito, ang mga mag-oovertime work ay babayaran pa ng karagdagang 30% ng kanilang hourly rate, habang ang mga papasok sa kabilang ng kanilang rest day ay may karagdagang 50% sa unang walong oras ng kanilang trabaho.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ang mga mag-oovertime sa kanilang day off ay may karagdagang 30% ng kanilang hourly rate. //MHEL PACIA-TRINIDAD