Ferolino na-harass umano, matapos di na-hide ni Guanzon ang personal number

Naharass ng sinasabing “strangers” si Commission on Elections (Comelec) commissioner Aimee Ferolino, matapso aksidenteng ma-leak ni commissioner Rowena Guanzon, ang personal number nito sa deleted nang tweet.

Mababatid na si Ferolino ang ang ponente sa ruling ng high-profile disqualification cases laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Kahapon, nang ibahagi sa Tweeter ni Guanzon ang screenshot ng kanyang text messages kay Ferolino, na naghihimok sa kanya na isulat na ang desisyon matapos na gumaling na ang abogado nito mula COVID-19.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Kaugnay nito, visible sa screenshot ang number ni Ferolino.

Batay sa kampo ni Ferolino, non-stop ang mga natatanggap na text at Viber messages ng commissioner matapos ang tweet ni Guanzon, na inilarawan nila bilang “negligence.” //MHEL PACIA-TRINIDAD