Findings sa pagkahack sa Smartmatic system, pinasasapubliko

Hinimok ng poll watchdog Kontra Daya ang Department of Information and Communications Technology (DICT), na isapubliko ang kanilang findings sa “compromised features” sa system ng Smartmatic, upang mawala ang pangamba hinggil sa integridad ng May 9 elections.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Ayon kasi kay Kontra Daya convener Danilo Arao, may dahilan para mabahala, sa kabila na sinabi ng Comelec na ang findings ng DICT’s Information and Technology’s Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) ay walang epekto sa halalan.

Una nito, sa pagdinig ng congressional oversight committee, nilinaw ni CICC head Cezar Mancao II na hindi ang system ng Comelec system ang nahack, sa halip ang system ng Smartmatic ang nakompromiso.

Read More:  Malacañang praises mon Tulfo’s fake news admission

Sa gitna nito, humiling ang CICC chief ng closed-door meeting para ipaliwanag ang kanyang naging assessment. //MHEL PACIA-TRINIDAD