DOLE Bicol namahagi ng livelihood assistance sa isang asosasyon ng magsasaka sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Nagbigay ng Livelihood Assistance ang DOLE Bicol sa isang asosasyon ng mga magsasaka sa Brgy. Mactang sa Bayan ng Capalonga sa probinsya ng Camarines Norte.

Ang naturang aktibidad ay ang Seeds to Stiches: Uplifting the Lives of Farmers thru Garments Tailoring Production na pinanguhan ng ahensya at sa tulong ng Camarines Norte Provincial Office ay matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng Livelihood Assistance sa mga magsasaka.

Ang nasabing asosasyon ng mga magsasaka ay ang Mactang Lowland and Upland Harvesters’ Association (MALUHA), na kung saan nabigyan sila ng ahensya ng mga kagamitan, materyales, at kasangkapan ukol sa pananahi at paggawa ng mga damit na ang kabuuang halaga nito ay nasa P381,375.00 kung saan nasa 31 miyembro ng asosasyon ang nabigyan nito.

Ang ahensya rin ay nagsagawa ng Business Management and Entrepreneurship Training sa nasabing barangay na nagbigay rin ng partisipasyon ang DTI upang turuan ang mga ito sa kanilang potensyal sa pagnenegosyo, pamamahala nito at kung paano ito palaguin.

Nagbigay rin ng mensahe si Christine Joy Romero isang specialist ukol sa Gender Awareness and Development (GAD) na kung saan isinulong niya ang equity, equality at empowerment sa mga marginalized sectors. At lahat ng mga aktibidad at proyekto ng ahensya ay naka-ayon sa GAD.

Samantala, nagbigay naman ng pasasalamat ang presidente ng asosyon ng mga magsasaka at pati na rin ang mga miyembro nito na naisakatuparan na umano ang proyektong matagal na nilang inaasam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *