Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na nalampasan na Pilipinas ang crisis stage sa pagkalat ng Omicron variant ng coronavirus.
Pero paglilinaw ng kalihim, hindi kasama ang mismong problema sa COVID-19 pandemic.
Pagbabahagi ni Duque, bumuti na ang numero pagdating sa two-week growth rate na nasa -81%, average daily attack rate (ADAR) na nasa 7 cases per 100,000 population at healthcare utilization.

Dahil sa magandang development, nasa low risk na ang bansa sa COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD