Inamin ni Tiger Woods na mabagal ang kanyang progreso mula sa injuries na natamo matapos ang car accident noong nakaraang taon.
Ayon kay Woods, sobrang limitado lang ngayon ang kanyang golf activities.
Ang 15-time majors winner ay ang tournament host ng event sa Pacific Palisades, California, nang mag-crash ang kanyang sasakyan noong Feb. 23, 2021, na nangyari hindi kalayuan mula sa Riviera Country Club, na site ng event.

Kaugnay nito, nagtamo si Woods ng open fractures sa upper at lower portions ng tibia at fibula sa kanyang kanang binti. //MHEL PACIA-TRINIDAD