BI sa airlines: Wag pasakayin ang mga dayuhang kulang ang docs

Nakiusap ang Bureau of Immigration (BI) sa mga airlines na huwag payagan ng mga airlines na makasakay sa eroplano ang mga dayuhan na walang dalang kaukulang dokumento sa pagpunta ng Pilipinas.

Mababatid na sa kasalukuyan, pinapayagan nang pumasok sa bansa ang mga fully vaccinated foreigners.

Read More:  PNP renews call for Bato to surrender as deadline ends

Ilan sa mga hinihinging dokumento ay ang katibayan na bakunado na ang mga ito, passport na valid hanggang anim na buwan at negative RT-PCR test result.

Read More:  Palace clarifies Marcos administration’s super El Niño response goes beyond buckets

Babala ng BI, ang mga foreign nationals na ineligible sa pagpasok sa bansa, ay isasakay sa susunod na flight , pabalik sa kanilang port of origin.

Kaugnay nito, maari ring maharap sa penalidad o parusa ang mga airlines kung papayagan ang improperly documented aliens na makasakay. //MHEL PACIA-TRINIDAD