DOH, isinama na ang mga buntis sa priority group para sa vaccination

Isinama na ng mga health authorities ang mga buntis sa priority groups para sa vaccination laban sa COVID-19.

Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, irerebisa nila ang kasalukuyang panuntunan para isama ang mga buntis na ngayon ay bahagi ng Expanded A3 group.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Giit ni Vergeire, batay sa rekomendasyon ng mga eksperto, ligtas ang COVID-19 vaccines para sa pregnant women at ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 ay actively recommended sa second o third trimester.

Ang mga high risk pregnant women na nasa kanilang first trimester ay maari ring mabakunahan sa kondisyong ang mga benepisyo at banta ay maayos na naipaliwanag sa oras na kumuha ng medical clearance mula sa kanilang mga doktor.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Sinabi naman nito na ang tanging bakuna na hindi maaring ibigay sa pregnant women ay ang Gamaleya’s Sputnik V. // MHEL PACIA-TRINIDAD