DOH, iginiit na wala pang naitatalang kaso ng ‘heart inflammation’ sa mga nabakunahan ng Pfizer/BioNTech at Moderna sa Pilipinas

Wala pang naitatala ang Department of Health (DOH) na anumang kaso ng heart inflammation o pamamaga ng puso sa mga nabakunahan ng covid-19 vaccine na gawa ng Pfizer/BioNTech at Moderna dito sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakarating na sa DOH ang ulat sa ibang bansa kaugnay sa ilang kaso ng rare heart inflammation matapos na maiturok ang bakuna ng Pfizer at Moderna.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Kamakailan lamang sa Amerika ay idinagdag na ng US Food and Drug Administration ang rare risk ng pamamaga ng puso sa warning sufficient para sa mga nasabing bakuna.

Pero sinabi ng opisyal na sa ating bansa ay wala pang karanasan ang mga nabakunahan ng Pfizer at Moderna.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Aniya, mainam na hintayin na lamang ang mga manufacturist nito na magbigay ng opisyal na abiso na isinama na nila sa warning sufficient ang dalawang bakuna.

Mababatid na ang Pfizer ay isa na rin sa mga bakunang ginagamit sa covid-19 vaccination program ng pamahalaaan at kamakailan lamang ay dumating na rin ang suplay ng Moderna vaccine sa Pilipinas.