Mahalagang mapangalagaan ang kondisyon o kalagayan ng mga healthcare workers lalo na ang mga direktang humaharap sa mga pasyenteng may covid-19.
Sinabi ni treatment czar Undersecretary Leopoldo Vega na ito ang dahilan kung bakit ang mga pribado at pampublikong ospital ay may kanya-kanya na ring programa sa kanilang health workers.
Kabilang aniya rito ang debriefing o pagbibigay nila ng report sa ginawang pagtugon sa mga covid-19 patient para maibsan ang mga nararamdaman nilang pagod.
Maliban dito, nagpapatupad din ang mga ospital ng rotational scheme sa mga healthcare workers na tumatagal sa isang clinical division.
Ayon sa treatment czar, binibigyan din ang mga health workers ng pagkakataon na makapagleave of absence para sila ay makapagpahinga.
Ang pahayag na ito ni Usec. Vega ay sa gitna ng maraming healthcare workers sa bansa na nakakaranas ngayon ng stress at anxiety dahil sa pagiging over-worked bunsod ng nagpapatuloy na pandemya.