DOH-Bicol, pinayuhan ang mga indibidwal na nakakaranas ng “long covid-19” na huwag itong balewalain at magpakonsulta sa doktor

BICOL – MULING pinayuhan ng Department of Health o DOH-Bicol ang mga indibidwal na nakakaranas ng “long covid-19” o matagal na epekto ng virus na magpakonsulta sa doktor o sa malapit na health centers.

Paliwanag ni  Kenn  Nuyda, Nurse 5 ng  DOH-Bicol – Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), maaari itong maranasan ng mga nakarekober na sa covid-19 sa loob ng dalawang buwan o higit pa.

Karaniwan umano sa mga sintomas ng long covid-19 ay ubo, madalas na pagsakit o paninikip ng dibdib at pagsakit ng kasu-kasuan.

May ilan din umano na nakakaranas ng mas malalang kondisyon kung saan nahihirapan na sa paghinga at nawawalan ng malay na dapat na maagapan athudyat umano upang agad na dalhin ang isang pasyente sa opsital.

Ayon pa rito, ang pinaka epektibong pa rin umanong paraan upang maiwasan ito ay ang pag iwas na mahawaan ng covid-19 at higit umanong makakatulong kung ang isang indibidwal ay bakunado.

Sa kabilang dako, muli nitong tiniyak na normal lamang na makaranas ng mga nabakunahang indibidwal ng ilang adverse events following immunization (AEFI) tulad ng lagnat, sakit o pangangalay sa lugar na tinurukan, pagkahilo o pagsusuka at pagkapagod subalit dapat pa rin umanong makipag ugnayan sa kanilang vaccination centers o LGU oras na makaranas ng malala pang epekto ng bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *