Pinanindigan ni Presidential Adviser for COVID-19 Response Vince Dizon ang no vaccination, no ride policy ng gobyerno, sa kabila ng mga batikos at kalituhan hinggil sa bagong patakaran.
Mungkahi ni Dizon, dapat talagang pag-isipan muna kung ano ang prinsipyo sa likod ng polisiya, at bagama’t kontrobersiyal, ito umano ang hakbang na kailangang ipatupad at i-formulate.
Giit ng presidential adviser, kailangan na protektahan ang nakararami para maabot kung anu ang ikabubuti.
Ang pahayag ni Dizon ay sa gitna ng mga panawagan mula sa mga mambabatas sa ng publiko na i-repeal ang polisiya, dahil sa umano’y pagiging discriminatory at anti-poor.

Sa huli, iginiit nito na hindi naman “absolute” ang naturang polisiya, dahil ito ay para lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 o mas mataas pang alerto.