DOH, nagtala ng higit 31K new COVID-19 cases; total, sumipa pa sa 3.3M

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 31,173 new COVID-19 infections para sa araw ng Huwebes, dahilan para sumipa pa ang nationwide tally nito sa mahigit 3.3 million.

Kaugnay nito, mula sa kabuoang case count na 3,324,478, 275,364 o 8% ang active cases, kung saan 262,168 ang mayroong mild symptoms; 8,424 ang walang sintomas, 2,979 ang nasa moderate condition; 1,488 ang may severe symptoms; at 305 ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, tumaas naman ang death toll sa 53,153 0 1.60% ng lahat ng infections, matapos pumanaw ang 110 pang pasyente, habang 26,298 naman ang bagong gumaling mula sa naturang sakit, dahilan para umakyat rin ang total recovery count sa 2,995,961 o 90.1% ng case tally.

Hindi kasali sa bilang ang resulta mula sa limang laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos.