Nakatakdang maglabas ng guidelines ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa implementasyon ng granular lockdown sa Metro Manila
Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, iaanunsyo nila ang guideline sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw dahil kailangan pa raw itong repasuhin para maiwasan na magkaroon ng alert level na hindi malinaw.
Ito rin ay para maiwasan na malito ang publiko.

Matatandaang, ang NCR ay sasailalim sana sa General Community Quarantine kasabay ng pilot-testing ng granular lockdown simula Setyembre 8 ngunit binago ito at mananatili ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine hanggang Setyembre 15.
Sa ilalim ng granular lockdown, magkakaroon ng 4 level alert status na tutukoy sa kapasidad ng mga negosyo at aktibidad na maaaring mag-operate.