Pumalo na sa 13.5 milyong adult Filipinos o 27.6% ng adult labor force ang walang trabaho sa bansa.
Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) noong Hunyo 23 hanggang 26, 2021.
Mas mataas ng 1.3 milyon ang nasabing bilang kumpara sa naitala noong Mayo kung saan 12.2 milyon o 25.8% ng adult labor force ang walang trabaho.
Ayon sa SWS, kabilang sa mga walang trabaho ay ang mga boluntaryong umalis sa kanilang trabaho, first-time job seekers, at mga taong nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng pandemya sa ekonomiya.

Lumalabas din sa survey na mula sa 30.8% noong Mayo, na tumaas sa 40.9% ang unemployed sa Metro Manila noong Hunyo. Tumaas din ito sa Balance Luzon sa 30.9% mula sa 24.2% noong Mayo.
Samantala, bumaba naman ang kawalan ng trabaho sa Visayas at Mindanao. SA Visayas, bumaba ang joblessness sa 21.3 percent nitong June mula 28.7 percent noong May habang sa Mindanao naman, bumaba ang unemployment sa 19.2 percent noong June mula sa 23 percent noong May.