Nasa mahigit 100 milyong piso na ang initial estimate na halaga ng pinsalang dinulot ng Bagyong Jolina sa sektor ng agrikultura.
Sa bulletin na inilabas ng ayon sa Department of Agriculture Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DA-DRRM OpCen), naitala sa Eastern Visayas ang P179.57 milyong pinsala sa mga palayan, kung saan naapektuhan ang 61,828 na mga magsasaka roon.

Ayon sa ahensya, maaari naman umanong makakuha ng tulong mula sa gobyerno ang mga magsasakang naapektuhan ng bagyo tulad ng Quick Response Fund (QRF), rice, corn and assorted vegetable seeds, Drugs and biologics for livestock and poultry needs, Survival and Recovery (SURE) Loan Program, at available funds from the Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Patuloy naman umanong magbibigay ng update ang DA-DRRM Operations Center kaugnay ng Bagyong Jolina.