DILG – dinepensahan ang naging pagsisilbi ng warrant kay Quiboloy

Nanindigan si Interior Sec. Benhur Abalos na ipinatupad pa rin ang maximum tolerance sa ginawang pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Apollo Quiboloy sa Davao.

Ito’y matapos batikusin nina dating pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte ang umano’y ‘hindi makataong’ operasyon ng mga kapulisan sa area.

Read More:  VP Sara denies viral photo of Duterte in hospital, calls it fake

Sa naging panayam kay Abalos sa pagdalo nito sa Independence Day rites sa Caloocan – dinipensahan ng Kalihim ang operasyon.

Aniya, ginawa lang daw ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang tungkulin.

Read More:  DOJ eyes possible drug war link in missing ‘sabungeros’ case

Sabi pa ni Abalos – kay Quiboloy na rin nanggaling na hindi siya magpapahuli nang buhay kaya talagang naghanda ang mga operatiba ng kapulisan.

Sa huli, muling nanawagan ang Kalihim sa KOJC leader na sumuko na lamang lalo na’t mabibigyan pa ito ng pagkakataon na madepensahan ang kaniyang sarili.