DILG -12, nagsawa ng launching sa Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program

KORONADAL CITY- NAGSAGAWA ng launching sa Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program ng Department of the Interior and Local Government o DILG-12 sa Barangay Sta Cruz, Koronadal City.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay ASec Josephine Leysa, Regional Director ng DILG-12 , inihayag nitong natiowide ang nasabing programa kung saan layunin nito upang malinis ang kumunidad sa pamamagitan ng “Bayanihan” o pagtutulungan ng mga residente at local govermnet unit o lgu. Ipapatupad ang programa sa bawat barangay sa buong rehiyon sa pamamagitan ng monitoring ng bawat mga lgu.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Kabilang rin sa tutukan ng programa ang kalinisan ng mga drainage canal, mga daanan, at iba pa. Dagdag pa ng opisyal na quarterly ang monitoring ng DILG para sa nasabing programa kung saan may nakatakdang papremyo sa mga barangay at lgu na mapapabilang sa pinaka-malinis sa buong bansa.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter