NAG-VIRAL ang kumalat na mga video at itrato sa social media sa isang pangyayari kung saan makikita ang maraming isda sa baybayin ng mga beach resorts sa Maasim Sarangani Province.
Ikinagulat ng mga naliligo sa ibat-ibang beach resort sa nabanggit na munisipalidad matapos dumagsa ang tone-toneladang isda na tinatawag na lupoy, kahapon ng madaling araw.
Kaagad na pinuntahan ng Brigada News team ang nasabing lugar at naabutan nito ang mga residente na kanya-kanyang hakot ng kanilang nakuhang mga isda at meron naman iba na ibinibigay nalang sa iba dahil sa dami ng nakuha.
Labis ang pasasalamat sa poong maykapal ni Hairan Pagabangan galing sa Siguel, dahil itinuturing niya itong blessing at malaki umano ang tulong nito para hindi na sila mamroblema sa pgbili ng ulam.
Ayon naman sa anak ng may-ari ng isang resort sa Maasim na si Abudyell Lawa , ikanigulat nila ang pagdagsa ng maraming isdang lupoy na tinatayang nasa mahigit kumulang anim na mga truck ang rami.
Nabatid na binuksan ng management para sa lahat ang kanilang mga beach resort na walang bayad ng sa ganun maubos na ang mga isda sa kanilang baybayin dahil posible itong magresulta sa hindi kaaya-ayang amoy kung lahat ay hindi makuha.