UNFORGIVABLE! – Gen. Acorda sa pagdawit sa kaniya sa destab plot vs PBBM

“Unforgiveable”

Ito ang sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., sa pagdawit sa kanyang pangalan sa destabilization plot laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

‘Yan ang naging pahayag ng PNP Chief sa kanyang kauna-unagang flag raising ceremony ngayong 2024 sa Camp Crame.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Sa kanyang talumpati kanina, sinabi ni Acorda na labis syang ‘nasaktan’ sa pekeng balita na kaiisa sya kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa planong pagpapatalsik sa pwesto ng Pangulo.

Paliwanag nya, walang kapatawaran ang naturang aksyon dahil wala itong basehan at ginawa lang ng tao na gustong magpasikat.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Dagdag pa ni Acorda, sinisikap ng PNP na lumikha ng magandang imahe kaya hindi nya palalampasin ang paninira sa kanya at sa organisasyon.

Sa huli, kanyang hinikayat ang buong PNP na magkaisa at maging tapat sa kanilang mandato na protektahan ang mamamayan at buong bayan.