DICT Camarines Sur, hinikayat ang mga simcard users na magparehistro sa kabila ng pagpapalawig ng deadline nito

CAMARINES SUR- Hinikayat ng Department of Information and Communications Technology (DICT)-Camarines Sur ang publiko partikular na ang mga sim card users na iparehistro na ito upang maiwasan ang problema kapag nalalapit ang deadline.

Sa panayam ng Brigada New FM Naga kay Maria Peñafrancia L. Nepomuceno ng DICT sa lalawigan, sinabi nitong bago ang nakatakda sanang deadline ngayong araw Abril 26, dinudumong ang kanilang mga booth sa mga opisina ng DICT sa lalawigan at sa malls. Kung marami aniya ang nag reregister, bumabagal ang system.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Samantala, isang araw bago ang deadline, inanunsyo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na extended ng 90-araw ang pagpaparehistro.  Ito aniya ang napag dedisyunan sa pagpupulong kasama ang Pangulo.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Una nang sinabi ni DICT Sec. Ivan John Uy na  hindi pa umaabot sa 60% ng 168 million active SIMs ang rehistrado.

Ang mga patakaran dito ay nakasaad sa  Republic Act (RA) 11934 or the Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act ; ang unang batas na naipasa sa ilalim ng Marcos Jr administration.